Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala na nagpapalawig sa bisa ng 2021 General Appropriations Act o GAA, mula sa December 31, 2021 hanggang December 31, 2022.
Ang House Bill 10373 ay nakakuha ng 168 boto na sang ayon habang 6 naman dito ang tutol at 0 abstention.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na siyang may-akda ng panukala, nararapat lamang na mapalawig ang paggamit dito hanggang sa susunod na taon dahil sa COVID-19 pandemic kung saan, naapektuhan nito ang operasyon at release ng budget para sa proyekto ng mga ahensya ng Pamahalaan.
Bukod pa dito, marami din sa alokasyon sa pambansang pondo ay hindi pa nagagamit ngayong taon.
Sa ngayon, pinamamadali naring iaakyat sa senado ang naturang panukala at inaasahang maaaprubahan din ito sa mataas na kapulungan. —sa panulat ni Angelica Doctolero