Isinusulong ni appropriations chairman Eric Go Yap sa Kamara ang House Bill 10373 o pagpapalawig sa validity o bisa ng 2021 national budget mula Disyembre 31, 2021 hanggang Disyembre 31, 2022.
Ayon kay Yap, naapektuhan ang operasyon sa gobyerno dahil sa pandemya kung saan nagkaroon ng pagka-antala sa paglalabas ng alokasyon sa ilang mga proyekto at programa.
Sinabi rin niya na kailangan na ng mga kabilang sa vulnerable sector ang mga hindi pa nagugugol na proyekto, programa at mga aktibidad na pinondohan sa ilalim ng 2021 national budget.
Samantala, sa Miyerkules ay sisimulan na ang pagtalakay sa pagpapalawig ng naturang pondo.—mula sa panulat ni Airiam Sancho