Duda si Dr. Tony Leachon, dating adviser ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung magiging epektibo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) para mapababa o mapabagal ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Leachon, sa ilalim kasi ng MECQ ay may mga industriya pa ring papayagang makapag-operate ng 50% ng kanilang kapasidad kayat marami pa rin ang pwedeng lumabas ng bahay.
Dapat anya ay gawin muna sa National Capital Region (NCR) ang ginawa sa Cebu City na isinailalim ibinalik sa ECQ kaya’t mabilis na naagapan ang sobrang paglobo ng mga kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Leachon na iminungkahi na nya ang ika-15 ng Hunyo nang maimbitahan sya sa pulong sa Malacañang subalit nag lobby ang mga mayors sa Department of the Interior and Local Government (DILG) laban dito.
Dahil dito, umapela na lamang si Leachon sa sambayanan na boluntaryong sumailalim sa ECQ.
Ibig anyang sabihin, magkusa na lahat na iwasan munang magtungo sa simbahan, mag-gym, magtungo sa salons, kumain sa restaurants at iwasan muna ang pagbiyahe.
Ibalik muna anya ang nasimulan na nating gawain nuong panahon ng ECQ na online transactions, pagsunod sa protocols at higit sa lahat pakikipag-isa sa pagdarasal.
Lumipas ang 15 days, July 31, pumalo tayo above the UP projection na 85,000, in fact, nag-90,000 tayo. Pag kasi MGCQ, may mobility pa rin,” ani Leachon. —sa panayam ng Ratsada Balita