Kailangan pang ikunsulta sa mga doktor ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) laban sa COVID-19.
Ayon ito sa Food and Drug Administration (FDA) kasunod ng clinical trials na isinagawa para mabatid ang bisa ng VCO bilang supplement ng coronavirus patients.
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ligtas at walang side effect ang VCO bagamat hindi ito dinisenyo bilang gamot kayat kailangan pa ring magpatingin sa doktor dahil idinagdag lang ito sa mga gamot ng mga pasyente.
Nakatakdang isagawa sa Valenzuela City ang VCO clinical trials na ikinakasa na sa mga pasyente ng Philippine General Hospital.