Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang “Bisekleta Para sa Kinabukasan”.
Ayon kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco, naghain ng panukala, ito ay para magamit ang bisekleta bilang alternatibong pamamaraan ng transportasyon sa gitna ng ‘new normal’.
Sa ilalim ng House Bill 4493, hinihikayat nito ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na palakasin ang National Bike Program sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura para sa bisekleta.
Kabilang na umano rito ang pagsasaayos ng mga kalsada na magsisilbing bike lanes.
Giit ni Velasco, matitiyak ang physical distancing sa paggamit ng bisekleta, maganda rin aniya sa kalusugan maging sa kalikasan.