Dismayado si Caloocan Bishop at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President Pablo Virgilio David sa pagbabawal ng gobyerno ng religious activities mula ika-22 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril.
Sinabi ni David na isinara pa rin ang mga simbahan kahit mahigpit silang nagpapatupad ng protocols samantalang ang fitness centers ay pinayagan ang 70% capacity at 50% capacity naman sa personal care services tulad ng mga spa.
Hindi aniya nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong magdiwang man lang ng Easter Sunday o Araw ng Pagkabuhay. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)