Binigyang papuri at pasasalamat ni Iligan Bishop Elenito Galido ang panginoon, kabilang na ang mga sundalo matapos na mailigtas si Father Chito Suganob at isa pang bihag ng Maute Group.
Ayon kay Bishop Galido, na pabalik pa lamang ng bansa mula sa isang inter-faith dialogue sa Roma, itinuturing niyang “good news at answered prayer” ang pagkakabawi ng buhay kay Father Suganob na mahigit 100 araw na nasa panganib ang buhay dahil sa patuloy na bakbabakan sa Marawi City.
Magugunitang, maliban kay Father Suganob, nasa 20 manggagawa rin ng St. Mary’s Cathedral ang dinukot ng mga terorista nang salakayin ng mga ito ang simbahan noong Mayo 23 ng taong kasalukuyan.
By: Jopel Pelenio
SMR: RPE