Tinawag na iresponsable ni Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggal at iniimbestigahan sa Roma si dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sinabi ni Bishop Pabillo na hindi karapat-dapat na patulan at bigyan ng reaksyon ang mga iresponsableng pangungusap.
Una rito, sinabi ng Pangulo na nagalit ang Santo Papa kay Tagle dahil sa pangingialam ‘di umano nito sa pulitika at pagbibigay ng donasyon sa mga dilawan kaya’t tinanggalan ng Arsobispo ang Maynila.
Si Pabillo ang nagsisilbing Apostolic Administrator ngayon ng Archdiocese of Manila habang wala pang kapalit si Cardinal Tagle.