Hinimok ni Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Archdiocese of Manila, ang publiko na ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag matapos maipasara ang ABS-CBN.
Ayon kay Pabillo, tila ang mga ganitong klaseng senaryo ay hindi na nalalayo sa martial law.
Sinabi pa ni Pabillo na alam ng publiko ang motibo sa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN kaya aniya hindi lang ang media network ang dapat na ipaglaban kundi ang press freedom.
Kailangan na umanong pumalag para ipaglaban ang kalayaan dahil sa pahigpit nang pahigpit na kapangyarihan.
Giit pa ni Pabillo nakakasakal na at tila muling nabubuhay ang martial law.