Bahagyang bumagal bagamat napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang nasa bahagi ng Cagayan Valley.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Bising ay pinakahuling namataan sa layong 360 kilometers silangan ng Tuguegara City, Cagayan Valley.
Taglay ng Bagyong Bising ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 175 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 215 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Bising ay kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Nananatili namang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 mga sumusunod na lugar:
• Batanes
• Cagayan including Babuyan Islands
• Eastern portion of Apayao
• Eastern portion of Kalinga
• Eastern portion of Isabela
• Northeastern part of Quirino
• Northern part of Aurora