Lumakas pa ang Severe Tropical Storm Bising at isa na ngayong Typhoon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ni Bising kaninang alas-10 ng umaga sa layong 960 km, silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km/h at pagbugsong aabot naman sa 160 km/h malapit sa gitna.
SEVERE WEATHER BULLETIN #1
FOR: TYPHOON "#BisingPH" (SURIGAE)
TROPICAL CYCLONE: ALERT
ISSUED AT 11:00 AM, 16 April…Posted by Dost_pagasa on Thursday, 15 April 2021
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang Bagyong Bising sa bansa.
Nananatili ring mababa ang tyansang tumama sa kalupaang bahagi ng bansa ang naturang bagyo.