Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang unti-unting kumikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran.
Ang sentro ng Bagyong Bising ay pinakahuling namataan sa layong 235 kilometers silangan, hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes o 360 kilometers silangan ng Daet, Camarines Norte.
Taglay ng Bagyong Bising ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 195 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 240 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Bising ay inaasahang marahang kikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
• Catanduanes
• Eastern part of Camarines Sur
• Eastern portion of Albay
• Eastern and central parts of Sorsogon
• Northern Samar
• Samar
• Eastern Samar
• Biliran
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Southeastern portion of Cagayan
• Northeastern part of Quirino
• Northern portion of Aurora
• Eastern part of Isabela
• Eastern part of Quezon including Polillo Islands
• Camarines Norte
• Rest of Camarines Sur
• Rest of Albay
• Rest of Sorsogon
• Masbate including Burias and Ticao Islands
• Leyte
• Southern Leyte
• Northern portion of Cebu including Bantayan and Camotes Islands
• Dinagat Islands
• Siargao Islands
• Bucas Grande Islands
SEVERE WEATHER BULLETIN #12
FOR: TYPHOON “#BisingPH” (SURIGAE)
TROPICAL CYCLONE: WARNING
ISSUED AT 11:00 AM, 19 April…Posted by Dost_pagasa on Sunday, 18 April 2021