Napanatili ng Bagyong Bising ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran ng silangan ng Quezon.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Bising ay pinakahuling namataan sa layong 475 kilometers silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay ng Bagong Bising ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 175 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 215 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Bising ay tinatayang mabagal na kikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran.
Bukas ng umaga, ang Bagyong Bising ay tinatayang nasa layong 340 kilometers silangan ng Tuguegarao City.
Nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 ang mga sumusunod na lugar:
- eastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
- eastern portion of Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Ilagan, Palanan)
- Catanduanes
Nasa ilalim naman ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Cagayan including Babuyan Islands
- Isabela, Quirino
- Apayao
- Eastern portion of Kalinga
- Eastern parts of Mountain Province and Ifugao
- Northern part of Aurora
- Eastern portion of Quezon including Polillo Islands
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Albay
- Sorsogon
- Northern Samar
- Northern parts of Samar and Eastern Samar
SEVERE WEATHER BULLETIN #16
FOR: TYPHOON “#BisingPH” (SURIGAE)
TROPICAL CYCLONE: WARNING
ISSUED AT 11:00 AM, 20 April…Posted by Dost_pagasa on Monday, 19 April 2021