Napanatili ng Typhoon ‘Bising’ ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong hilaga, hilagang-kanluran.
Ayon sa PAGASA, huling namataan kaninang alas-4 ng umaga ang sentro ng bagyo sa layong 250 km, silangan, hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 240 km/h.
Kumikilos ito pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Dahil dito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
• Catanduanes
• eastern portion of Camarines Sur
• eastern portion of Albay
• eastern and central portions of Sorsogon
• Northern Samar
• Samar
• Eastern Samar
• Biliran
Habang nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• eastern portion of Isabela
• northern portion of Aurora
• southeastern portion of Quezon including Polillo Islands
• Camarines Norte
• rest of Sorsogon
• rest of Camarines Sur
• rest of Albay
• Leyte
• Masbate including Burias and Ticao Islands
• Southern Leyte
• northern portion of Cebu including Bantayan and Camotes Islands
• Dinagat Islands
• Bucas Grande Islands
• Siargao Islands
Inaasahan namang mapapanatili ng Typhoon ‘Bising’ ang lakas nito sa susunod na 12 hanggang 24 oras.
SEVERE WEATHER BULLETIN #11
FOR: TYPHOON “#BisingPH” (SURIGAE)
TROPICAL CYCLONE: WARNING
Issued at 5:00 AM, 19 April…Posted by Dost_pagasa on Sunday, 18 April 2021