Posibleng madagdagan ang mga dadalong bisita sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
Ito ay ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, pinag-aaralan na dagdagan ang inaasahang bisita mula 150 hanggang 200 ang maaaring makapasok sa plenaryo.
Bukod dito, i-aadjust rin ang set-up ng mga ookupa sa plenaryo kung saan ang mga senador at iba miyembro ng kamara ay sa first gallery at ang iba naman ay sa second gallery.
Titiyakin rin aniya na fully vaccinated ang lahat ng papasok sa plenaryo upang matiyak na walang makakapasok may virus.
Kailangan rin magpresenta ng RT-PCR test result at sasailalim sa rapid test ang mga dadalo sa sona.
Samantala, sinabi ni mendoza na wala pang napipiling direktor para sa sona habang kamara at senado naman ang nakatoka sa paghahanda