Walang inaasahang power interruption o putol ng supply ng kuryente simula ngayong araw na ito hanggang sa Sabado, January 4.
Ayon ito sa advisory ng Meralco na nagsabing ang susunod na scheduled power interruption ay sa January 5, linggo na.
Ipinabatid ng meralco na kabilang sa mga apektado ng power interruption ang NGCP-Makban substation sa Sto. Tomas, Batangas at Batangas Paper Corporation sa Barangay San Felix sa pagitan ng alas sais ng umaga hanggang alas nueve ng gabi.
Bukod pa ito sa nakatakdang maintenance work sa FPIP o First Philippine Industrial Park sa Brgy. Sta Anastacia, Sto Tomas, Batangas sa pagitan ng alas sais ng umaga hanggang alas diyes ng gabi.