Nababahala na ang mga residente sa ilang barangay sa Lemery, Batangas sa paglaki ng mga bitak sa kalsada sa kanilang lugar.
Kasunod na rin ito ng tuloy-tuloy na nararamdamang volcanic eruptions sa lugar dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Sumusukat ng halos isang dangkal ang inangat ng bahagi ng kalsada sa nabanggit na lugar sa Lemery.
TINGNAN: Lumalaking bitak ng lupa sa Brgy. Sinisian, Lemery, Batangas, ikinababahala ng mga residente | via @gilbertperdez pic.twitter.com/mxuUqyRPNK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 14, 2020
Maliban dito may mga kabahayan din sa lugar ang nagkaroon ng mga bitak.
Ayon sa isang residente, napansin niya ang paglaki ng bitak sa kanyang bahay nito lamang magdamag. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)