Inihayag ng isang infectious disease specialist na angkop gamitin bilang ikatlong booster shot laban sa COVID-19 ang Bivalent COVID-19 vaccines.
Ito ang sinabi ni Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development matapos matukoy na epektibo ito laban sa iba pang variant ng virus.
Ayon kay Montoya, magbibigay ng dagdag na proteksyon ang Bivalent Vaccines laban sa Omicron sub-variants na kumakalat ngayon sa bansa gaya ng XBB at XBC variants.
Ikinatuwa naman ng opisyal na nasa proseso na ng pagbili ng Bivalent vaccines ang Department of Health na magiging available na sa mga Pilipino, kung mabibigyan ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration.
Tanging ang mga edad 50 pataas at may comorbidities na edad 18 hanggang 49 na may commorbidities, ang kwalipikado para sa ikalawang booster shot.