Posibleng matagalan pa ang Pilipinas bago makakuha ng Bivalent vaccines na panlaban sa mga bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, pinuno ng Vaccine Expert Panel (VEP) na sa kasalukuyan ay wala pang manufacturer na nag-a-apply para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa Food and Drug Administration.
Maaari aniya itong umabot ng buwan o higit pa para ma-evaluate ang mga datos kaya posibleng matagalan bago ganap na makabili ng Bivalent vaccine ang bansa.
Iginiit naman ni Gloriani na ang pribadong sektor, sa pangunguna ni Joey Concepcion ay planong bumili ng 10 milyong doses ng naturang bakuna.