Bumilis ng Sampung (10) minuto ang biyahe sa mga pangunahing lansangan sa pagpapatuloy ng no window policy sa number coding scheme.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Thomas Orbos, maaaring ang pagbilis ng biyahe ay dahil sa mas marami na ang nagpapasya na huwag nalang bumiyahe, lalo na at maghapon na ang pagpapatupad ng number coding.
Sinabi ni Orbos na kanila na din pinag-aaralan ang pakikipag-usap sa mga delivery companies na babaan ang delivery fees lalo na ngayong pasko, upang mas makabawas sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili na magreresulta sa muling pagbibigat ng daloy ng trapiko.
By: Katrina Valle