Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbiyahe ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Benham Rise sa Mayo 5 hanggang 7.
Ito ang kinumpirma ni Agriculture Secretary Manny Piñol makaraang makipagpulong sa Pangulo noong nakaraang Miyerkules.
Ayon kay Piñol, limang (5) government ship ang magtutungo sa Benham Rise.
Kabilang na rito ang M/V DA-BFAR at apat (4) na vessels.
Ang research fleet ay maglalayag mula Infanta sa Quezon hanggang sa pinakamababaw na bahagi ng Philippine Sea kung saan aalamin kung ano ang mga dapat gawing hakbang upang protektahan ang Benham Rise.
By Meann Tanbio
Biyahe ng BFAR sa Benham Rise may go signal na ng Pangulo was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882