Tuloy pa rin ang biyahe ng mga provincial bus palabas ng NCR plus bubble ngayong Semana Santa.
Ilan sa mga bus na nasa bahagi ng Cubao, Quezon City ay may biyaheng patungong Pampanga, Tarlac, Cabanatuan at Nueva Vizcaya.
Mahigpit na sinusuri ng mga tauhan ng mga bus company ang dokumento ng mga bibiyahe palabas ng NCR plus bubble.
Nais kasi nilang matiyak na essential ang kanilang biyahe kaya’t kailangang patunayan ng biyahero na nakatira siya sa labas ng NCR plus bubble para payagang makabiyahe.