Sinuspinde ng lahat ng airline company ang kanilang lokal na biyahe sa Nigeria dahil sa napakamahal na jet fuel pero tuloy naman ang mga international flight.
Ayon sa airline operators of Nigeria, na binubuo ng 9 ng kompanya, napilitan silang ihinto ang mga biyahe makaraang magtaas nang 4 na beses ang presyo ng inaangkat na jet fuel.
4 na buwan na umano silang nalulugi at hirap naman silang bawiin sa pamasahe dahil nagdoble na rin ito.
Ang Nigeria ang pinakamalaking producer ng langis sa buong Africa pero hindi umano gaanong napakikinabangan dahil sa pagiging atrasado sa teknolohiya ng mga kumpanya at korapsyon.