Nakaranas ng ilang minutong aberya ang biyahe ng LRT Line 1 sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.
Ayon sa management ng LRT 1, isang tren ang nagka problema sa bahagi ng Pedro Gil Station Southbound.
Dahil dito, mag a alas 8;00 ng umaga nang magpatupad ng 15 kilometer per hour speed restriction sa biyahe ng mga tren.
Makalipas ang ilang minuto ay itinigil na ang operasyon ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt para miaayos ang depektibong LRT.
Matapos maayos ang depektibong tren o makalipas ang halos 20 minutos ay naibalik na sa normal ang biyahe sa LRT 1.
Gayunman, nagdulot pa rin ito ng build up o mahabang pila ng mga pasahero.