Balik operasyon na ang mga pantalan maging ang mga shipping at fishing company matapos lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong lando.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nakabiyahe na rin ang mga stranded na pasahero na ilang araw nananatili sa mga pier.
Gayunman, mahigit 1.6 Million katao ang apektado ng kalamidad partikular sa Northern at Central Luzon.
Samantala, balik na rin sa normal ang biyahe ng mga eroplano na patungo at pabalik ng Northern Luzon at Metro Manila.
By: Drew Nacino