Inaasahang balik-normal na ang biyahe ng mga barko sa bansa ngayong araw na ito.
Kasunod ito ng 5,000 pasahero pa ang naghihintay ng biyahe sa mga pantalan sa mga barko sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Auring.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commodore Armand Balilo, bukas na muli ang mga biyahe sa Surigao Del Sur, Surigao Del Norte, Bicol at Visayas.
Sinabi ni Balilo na karamihan sa mga barko na nanatili muna sa iba pang port dahil sa banta ng Bagyong Auring ay nagsimula na ring bumalik sa mga designated ports.
Dahil sa mga nakanselang biyahe sa kasagsagan ng Bagyong Auring, tinatayang 300 truck na naglalaman ng food supply ang stranded sa Lipata Port sa Surigao Del Norte at priority na maibyahe pa-Luzon kaagad ang 16 na truck na naglalaman ng mga baboy.