Suspendido na ang biyahe ng mga barko sa Surigao del Norte matapos itaas ang signal #1 sa lugar.
Napanatili kasi ng tropical depression Auring ang lakas nito habang patungo sa Surigao.
Inaasahang magla-landfall ito sa Surigao mamayang gabi o bukas ng umaga.
Sa tala ng pagasa kaninang alas-4 ng madaling araw, may hangin itong aabot sa 55 kilometro kada oras ang lakas at pagbugsong aabot sa pitumpung kilometro kada oras.
By: Avee Devierte