Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang stranded na mga pasahero sa mga pantalan ngayong holiday season sa kabila ng masamang panahon.
Batay sa datos ng PPA, 175 pantalan na kanilang pinangangasiwaan ang operational ngayong Christmas season.
Tinaya ng PPA sa 45,000 ang pasahero, na binubuo ng 25,000 sumakay ng mga barko at iba pang sea vessel habang 20,000 ang mga bumabang pasahero.
Samantala, inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa ilalim ng “Oplan Biyeheng Ayos: Pasko 2022” na wala ring stranded na mga biyahero at mga barko.
Batay naman sa datos ng PCG hanggang kahapon, kabuuang 82,000 pasahero ang kanilang na-monitor o mahigit 42,000 outbound passengers at 40,000 inbound passengers sa lahat ng pantalan.