Pinalilimitahan na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa anim (6) na oras ang biyahe ng isang bus driver, simula bukas, Abril 9.
Sinabi ni LTFRB Spokesperson Aileen Lizada na mahalagang magkaroon ng dalawang driver ang isang bus na bibiyahe ng higit sa anim (6) na oras, upang mayroong hahalili sa main driver at makaiwas sa aksidente.
Hindi rin aniya maaaring magsilbing alternate driver ang konduktor, para matiyak na agad maagapan ang pangangailangan ng mga pasahero.
Ang lalabag na operator sa naturang kautusan ay maaring pagmultahin ng mula sa limang libo (5,000) hanggang sampung libong (10,000) piso, at ng suspensyon na maaaring maglaro mula sa tatlumpu (30) hanggang animnapung (60) araw.
By Katrina Valle