Sinuspinde ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang biyahe ng mga bus na patungo sa Quezon at Aurora province.
Ayon kay LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada, batay sa inilabas na forecast ng PAGASA, direktang tatamaan ng bagyo ang dalawang nabanggit na probinsya.
Nauna rito, isang pampasaherong bus ang napaulat na na-stranded sa tubig baha sa Pitogo, Quezon.
Ayon sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot sa lagpas tao ang tubig baha sa bahagi ng Gumaca-Pitogo Road National Highway at pinasok ng tubig ang bus dahilan para umakyat ang mga pasahero nito sa bubong ng sasakyan.
Maliban dito, ilang bayan na ang napaulat na binaha dahil sa malakas na pag-ulan sa Region IV-A kung saan kabilang ang Quezon at Aurora.
Samantala, nag-landfall na kaninang umaga ang bagyong maring sa Mauban, Quezon ngayong umaga.
—-