Fully-booked na ang mga biyahe ng mga bus patungo sa ilang probinsya anim na araw bago mag-Pasko.
Dagsa na rin ang mga mananakay sa mga bus stations, partikular sa mga patungong Bicol, at gayundin sa Visayas at Mindanao.
Anim na hanggang pitong libong pasahero ang dumadagsa sa terminal sa Cubao, Quezon City.
Ngunit, dahil papalapit na ang Pasko, inaasahang pumalo ito ng mula walo hanggang sampung libo sa mga susunod na araw.
At dahil fully-booked na ang mga biyahe hanggang sa Bagong Taon, inaasahang madaragdag ng mga special trips ang mga bus companies.
Ayon naman kay MMDA Chairman Tim Orbos, plano nilang i-exempt sa number coding ang mga provincial buses para na rin sa kapakanan ng mga mananakay.
By Jelbert Perdez