Dumami ang bilang ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA matapos ang paggunita ng Semana Santa.
Ito ay dahil sa mga pasaherong umuuwi ng Metro Manila mula sa kani-kanilang mga probinsya.
Dahil dito napuno ng mga pasahero ang mga bus sa mga terminal kabilang na dito ang Victory Liner, Genesis at Baliwag Transit sa EDSA-Cubao sa Quezon City.
Samantala, kakaunti naman ang mga pasaherong dumating sa Araneta Bus Terminal dahil natapos na ang pagbuhos ng mga pasahero mula sa mga lalawigan kung saan, mas marami umano ang mga pasaherong dumating sa PITX dahil mas maraming biyahe ang ini-aalok nito sa mga pasahero.
Sa kabila nito, nagpapatuloy parin ang serbisyo ng malasakit desk ng Philippine National Police (PNP) at Inter-Agency Council Traffic (I-ACT) para sa mga pasahero.