Ipinag-utos na ng Russia suspensyon sa lahat ng flights patungong Egypt matapos ang insidente ng pagbagsak ng eroplano sa naturang bansa dahil sa bomba.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, batay sa imbestigasyon ng United Kingdom, lumalabas na tinamnan ng bomba ang eroplano na naging dahilan ng pagbagsak nito na ikinasawi ng mahigit 200 kataong sakay nito.
Ito’y kung saan sinasabing ang Islamic State ang nasa likod ng naturang pambobomba.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Putin ang pakikipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano sa Egypt.
By Ralph Obina