Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang mga biyahe sa labas ng bansa ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan maliban na lamang sa mga diplomats.
Sa harap na rin ito ng sunud-sunod na pagsibak ng Pangulo sa ilang mga opisyal at kawani ng gubyerno dahil sa kanilang mga biyahe abroad o junket.
Giit ng Pangulo, dapat magtipid ang pamahalaan sa pondo nito kaya’t hindi nararapat manatili rito ang mga lingkod bayan na walang ginawa kundi lustayin ang pera ng mga mamamayan.
Magugunitang sinibak kamakailan ni Pangulong Duterte si PCUP o Presidential Commission on the Ubran Poor Chairman Terry Ridon at mga Commissioner nito gayundin si DAP o Development Academy of the Philippines Atty. Elba Siscar Cruz at dating DDB Chairman Dionisio Santiago dahil umano sa kanilang mga junket o biyahe sa labas ng bansa.