Pinagbabawalan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga commuter bus na bumiyahe sa ilang bahagi ng bansa.
Kasunod ito ng ipinalabas na gale warning ng PAGASA at NDRRMC na nakaaapekto sa eastern seaboads ng hilaga, gitna at katimugang luzon dulot ng hanging amihan.
Gayundin sa silangan at kanlurang dalampasigan ng Visayas area bunsod naman ng umiiral na tail end of a cold front na siyang nagdadala ng malalakas na mga pag-ulan sa lugar.
Habang ang bagyong ‘Agaton’ naman ang siyang nakaaapekto sa iba pang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng MINDANAO.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, kanselado na din ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan patungong Cagayan de Oro, Iligan, Ozamiz, Siargao, Surigao at Butuan bunsod ng bagyo.