Mapapa-aga ang biyahe sa Mindanao ng mga pulis scalawags na humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes, Pebrero 7.
Ito’y makaraang gawing 10 araw na lamang sa halip na dalawang linggo ang ibinigay na palugit sa mga ito ng Pangulo para makapaghanda.
Muling binalikan ng Pangulo ang mahigit 200 pulis na naka tikas pahinga sa palace grounds at inihayag nito ang kaniyang pagkadismaya sa mga iyon.
Binigyang-diin ng Pangulo na napahiya ang gobyerno sa publiko dahil sa mga iligal na aktibidad ng mga pulis gayung ginastusan sila ng pondo ng bayan mula sa pag-aaral hanggang sa uniporme.
By Jaymark Dagala | With Report from Aileen Taliping