Nakabalik na sa normal ang biyahe ng lahat ng sasakyang pandagat sa bansa.
Ayon kay Commander Armand balilo, Spokesman ng Philippine Coast Guard, hapon pa ng Linggo ay nagbigay na sila ng go signal para makabiyahe ang mga barko matapos maging low pressure na lamang ang bagyong Crising.
Dahil dito, wala na anya silang namonitor na stranded na pasahero sa mga pantalan.
Inaasahang magpapatuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa araw na ito lalo na ang mga nagmula sa bakasyon sa mga lalawigan nitong Semana Santa.
Sinabi ni Balilo na mananatili silang nasa hightened alert hanggang sa Abril 20 bilang bahagi pa rin ng Oplan Biyaheng Ayos hanggang sa makabalik na ng ligtas ang lahat ng mga bumiyahe nitong Semana Santa.
By Len Aguirre
Biyahe ng mga sasakyang pandagat balik na sa normal was last modified: April 17th, 2017 by DWIZ 882