Suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Paeng.
Pansamantalang ipinatigil ng Philippine Coast Guard ang mga biyahe sa Sorsogon papuntang Northern Samar simula alas onse kahapon ng umaga.
Ipinagbawal din ang lahat ng biyahe sa mga pantalan sa mga lalawigan ng Romblon at Masbate maging ang pagpalaot ng mga sasakyang pangisda sa Ilocos Norte.
Sinuspinde rin ng PCG ang biyahe mula Cebu patungo sa ilang lugar sa central at eastern Visayas sa gitna nang banta ng naglalakihang alon.
Kasalukuyang nakataas ang signal number 1 sa malaking bahagi ng Bicol Region at Eastern Visayas. –Mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)