Muling nagka-aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ngayong unang araw ng Pebrero.
Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nakaranas ng electrical failure ang isang tren ng MRT sa southbound ng Shaw Boulevard Station dakong 5:48 ng hapon.
Dahil dito, pinababa ang nasa 1,000 pasahero ngunit nakasakay din ito sa kasunod na tren matapos ang walong (8) minuto.
Matatandaang pinabalik kaninang 7:00 ng umaga sa depot ang isang tren matapos na masira ang public address system nito.
Dahil dito, siyam (9) na tren lamang ang tumatakbo ngayong araw.
Tinatayang nasa walo hanggang siyam na minuto ang hintayan sa MRT bago dumating ang sumunod na tren.