Hindi pa rin matapos-tapos ang mga aberya sa Metro Rail Transit o MRT.
Ito’y matapos pababain ang mga pasahero sa Quezon Avenue Station makaraang makaranas ng technical problem.
Bagama’t naayos na umano ang ilang pasilidad ng MRT tulad ng mga elevator at escalator ay maaantala na naman ang delivery ng mga bagong bagon.
Ayon sa pamunuan ng railway system, sa halip na ngayong buwan ng Enero ay sa Marso na ito maide-deliver.
Sinasabing nagsimulang magka-problema sa mga tren ng MRT nang bumili ito ng mga traction motors para sa mga bagong bagon.
Kaugnay nito, kahit umano may mga darating na bagong train coaches ay hindi naman agad ito magagamit dahil dadaan pa ito sa masusing technical tests.
By Jelbert Perdez