Tuloy ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific sa Korea sa kabila ng ini-anunsyong partial travel ban ng pamahalaan dahil sa mabilis na pagkalat doon ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa PAL at Cebu Pacific, wala pa naman silang pagbabasehan para ikansela ang kanilang flights dahil wala pang inilalabas na pormal na direktiba mula sa pamahalaan.
Kapwa inihayag ng dalawang airlines ang kahandaang sumunod sa travel ban subalit kailangan anila na mayroong implementing rules and regulations mula sa Civil Aeronautics Board.
Una nang ini-anunsyo ng Malacañang ang travel ban sa Gyeongsang Province ng South Korea kung saan nagmula ang mga kaso ng COVID-19.