Kinansela ang biyahe ng isang Philippine Airlines (PAL) flight patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa birdstrike sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City, kahapon.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Davao manager Agnes Udang, mag-te-take-off na sana ang PR Flight 2814 nang maipit sa isa sa mga engine nito ang isang ibon.
Bagaman walang nasaktan, natakot aniya ang ilang pasahero dahil sa bigla umanong pag-preno ng eroplano.
Hindi naman naantala ang byahe sa Davao Airport (DVO) habang nananatiling grounded ang naaksidenteng eroplano.