Madadagdagan na ng tatlo (3) ang biyahe ng PAL o Philippine Airlines mula sa Clark International Airport simula sa Hunyo 22.
Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL kabilang sa mga bagong destinasyon mula sa Clark ay ang patungo sa Bacolod, Tagbilaran at Cagayan de Oro.
Ang karagdagang flights ay bahagi aniya ng kanilang expansion program at decongestion procedure, bilang tulong sa pamahalaan.
By Katrina Valle | with report from Raoul Esperas (Patrol 45)
Biyahe ng PAL sa Clark madaragdagan na was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882