Ititigil muna ng Philippine Airlines (PAL) ang biyahe nito sa Kuwait sa May 16.
Ito ayon sa PAL management ay dahil sa mababang bilang ng mga buma biyahe sa nasabing bansa simula nang ipatupad ng bansa ang deployment ban ng mga OFW duon.
Gayunman sinabi ng PAL na u-ubra pa rin namang ipagpatuloy ang serbisyo sa mga patungong Kuwait sa pamamagitan ng ibang biyahe ng PAL sa mga kalapit lugar nito.
Kabilang dito ang mga biyahe ng PAL pa Dubai, Abu Dhabi, Doha sa Qatar at Riyadh, Jeddah at Dammam sa Saudi Arabia.
Pinayuhan naman ng PAL ang mga pasaherong apektado ng pansamantalang pagtigil ng kanilang biyahe sa Kuwait na mag rebook ng flights sa mismo o bago mag May 16, mag re reoute ng kanilang PAL Manila-Kuwait flight para makalipad sa pal patungong Abu Dhabi o sa ibang airline na may connecting flight pa Kuwait
Bukod pa ito sa pag re route ng kanilang PAL Kuwait Manila Flight para makalipad sa ibang airlines at mag PAL pabalik ng Pilipinas o kaya naman ay i refund na lamang ang kanilang hindi pa nagagamit na tickets.