Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagdalo sa 23rd International Conference on the Future of Asia sa Japan sa susunod na linggo.
Kinumpirma ito ng Japanese Media Corporation na Nikkei, na siyang host ng nasabing conference.
Mataandaang noong Abril 18, inanunsyo ng Nikkei na magbibigay ng talumpati si Pangulong Duterte sa naturang conference sa June 5 at 6 na gaganapin sa Tokyo.
Ito sana ang ikalawang trip sa Japan ng Pangulo makaraan ang kanyang state visit sa nasabing bansa noong Oktubre.
Gayunman, hindi pa kinukumpirma ng Malakanyang at ng Department of National Defense o DND ang naturang kanselasyon.
By Meann Tanbio
Biyahe ng Pangulong Duterte sa Japan sa susunod na linggo kinansela was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882