Sinuspinde muli pansamantala ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw na ito.
Ito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ay para na rin sa kaligtasan ng publiko dahil sa presensya ng napakalaking bulto ng water hyacinths sa Ilog Pasig.
Kaagad namang ibabalik ang operasyon ng PASIG RIVER FERRY kapag nalinis na ang ilog mula sa water hyacinths.