Sisimulan na sa Hulyo 3 ang tuwing Sabado nang biyahe ng Pasig River Ferry Service.
Ayon ito sa MMDA kung saan libreng makakasakay sa ferry service mula lunes hanggang sabado at magtungo sa alinman sa labing isang istasyon na kinabibilangan ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambiangan, Sta. Ana, PUP, Lawton at Escolta.
Ipinaalala ng MMDA ang pagdadala ng identification card ng sasakay sa ferry service gayundin nang pagsusuot ng face mask at face shield bilang bahagi ng security and health protocols.