Suspendido ang biyahe ng Pasig River Ferry System ngayong mga mahal na araw o Semana Santa.
Ito ang inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, tigil ang operasyon ng Pasig Ferry System mula Abril 1, Huwebes Santo hanggang Abril 4, Linggo ng pagkabuhay.
Muling magbabalik ang operasyon ng Pasig River Ferry System sa Lunes, Abril 5.