Tuluy-tuloy ang bidding para sa planong pagbabalik ng biyahe ng Philippine National Railways (PNR) papuntang Manila-Legazpi at vice versa.
Ipinabatid ito ni Engr. Jose Florece, Division Manager ng PNR matapos ang balik normal ngayong araw na ito ng operasyon ng tren sa rutang Naga-Legazpi matapos ang 10 taon.
Ayon kay Florece, P100 lamang ang pamasahe mula Naga hanggang Legazpi at dadaanan ang Iriga, Polangui, Ligao, Travesia at Daraga.
Inaasahang sunod na mabubuksan ang biyahe ng PNR papuntang Sorsogon.
By Judith Larino