Sinuspinde ng PNR o Philippine National Railways ang biyahe ng kanilang mga tren mula Maynila hanggang sa Calamba at pabalik dahil sa malakas na pag – ulan at pagbaha.
Ayon sa PNR, umabot na sa tatlo hanggang labing anim na pulgada ang taas ng tubig – baha sa mga istasyon na dinaraanan ng tren .
Batay sa mga report, nasa pitong pulgada na ang baha sa España at Paco sa lungsod ng Maynila habang labing anim (16) na pulgada na na sa may bahagi ng EDSA – Taft.
Ayon sa PNR, kaya lamang ng mga tren ng PNR ang lalim na 2.5 inches na tubig baha.
Samantala, magpapalabas ang abiso ang PNR kapag naibalik na sa normal ang biyahe ng kanilang mga tren.
_____